Friday, January 27, 2017

Happy Long Weekend!

This is it!













Bilang isang empleyado sa isang ESL online center ay madali na medyo mahirap. Magulo ba? Okay lang yan. 😂😂😂  Madali kasi magtuturo ka lang ng basic English sa mga beginners or have a free talking class sa mga intermediate and advanced students if their comprehension level is good enough to comprehend conversational and situational questions.



Medyo mahirap kasi 1.) Call center siya but since our clients are students, pahirapan sa pagkuha ng leave. Bihira ka lang makapagbakasyon kasama ang pamilya mo. Mahirap din kung may importante kang lalakarin na nataong kailangang lakarin on weekdays dahil hindi ka basta-basta makakakuha ng leave. NAKAKAHIYA naman po kasing magpa-sub ng mga klase mo sa ibang teachers lalong-lalo na kung marami rin silang klase. Lalong-lalo na kung ang mga ito ay hindi kumukuha ng leave tapos ikaw may ganang mag-leave at lalong-lalo na kung di mo ka-close. Ang ibig kong sabihin ay mas mabilis mong ma-distribute at ipa-sub ang mga klase mo kung marami kang ka-close or kachikkahan sa floor. Pero sa mga kagaya ko na tamad makipagchikkahan at tamad sumama sa mga galaan, ay, sorry ka na lang besh! Haha! Isa yan sa mga dahilan kung bakit di ko na lang ginagamit ang leave ko. Pero grabe talaga yung ibang teachers na may tatlong klase lang at ayaw pang tumanggap ni isang sub man lang. Kaya ang ginawa ko last year, hindi na ako nakiusap na magpa-sub. Ipinaubaya ko na lang sa TL namin ang mga klase ko at siya na ang nag-distribute.

2.) Nakaka-stress ang mga studyante minsan. Hindi na ako mag-i-elaborate ng sobrang haba so iiklian ko na lang. Ito yung mga studyanteng pinipilit ng mga nanay nila na mag-aral ng English. Parang Algebra lang yan. Madali para sa iba, mahirap para sa nakararami. Isipin niyo na lang at ipagpalagay natin na ayaw niyo ng ALGEBRA. Ano ang gagawin niyo kung pinipilit kayong mag-aral ng subject na ito? Iyong tipong wala ka na ngang pakealam kay X, pero heto at pinapahanap pa ng teacher mo. (Who-goat?Corny! Sorry...) Ganyan sa kanila ang ENGLISH.  Para sa kanila, isa ito sa mga nakakatamad na mga subject. English sa school, English sa academy, pagdating sa bahay aral pa rin ng English at may English online pa. Agahan, pananghalian, hapunan at panghimagas na English. Nakakasawa kaya. Kung sila sawang-sawa na, ako rin sawa na. Haha! Pero kailangan pa rin nilang mag-aral ng Ingles at kami naman dito sa Pinas ay kailangang kumayod.



Kaya pag ganitong Lunar New Year, ay, ang saya-saya! Minsan lang ang ganitong pagkakataon na medyo mahaba ang pahinga.


Sa mga taong mahilig magtravel, makipagbonding sa mga kaibigan, madalas umuwi sa probinsiya para makasama ang pamilya, malamang hindi ito ang trabahong para sa inyo. Madali lang siya talaga. Minsan pa-peteks peteks lang. Nakakahiya nga minsan sa ibang teachers na kuda ng kuda habang ikaw ay nakatitig sa screen ng bali dalawang oras. Hahaha! Nagtataka nga ako kung bakit ako nagtagal dito. Kung tutuosin papasa naman siguro ako sa ibang call center. Lol! Pero, pero, pero...Isa sa mga dahilan kung bakit ako nagtagal dito sa industriyang ito kahit na unahan at pahirapan sa pagkuha ng leave ay ang aking schedule. I don't have to wake up early. I'm not a morning person jud. Atong naa pa ko sa probinsiya, kanunay ko pukawon sa akong mama ug sayo kaayo sa buntag para taas daw ug agi. Pero depende lang siguro sa tawo. Kung tapulan aw wa gyud oi agi. Sama nako. 😄 My shift has always been convenient pwera na lang sa pagpasok kasi palaging TRAFFIC. Anyways, kahit anong oras naman ang traffic. Ano pa bang bago dito? Pero keri lang. ðŸ˜‚😂😂


Sa mga online EIAs, happy long weekend sa atin!





No comments:

Post a Comment