Saturday, December 3, 2016

December Na!

Ang bilis talaga ng panahon! Pansin ko lang, nagmamadali yata ang panahon ngayon. I can't believe 2016 is almost over. Ilang araw na lang, pasko na at ilang linggo na lang, bagong taon na naman. Haay! Sana singbilis ng panahon ang pag-unlad ng estado ng kabuhayan nating lahat. As usual this blog post is meaningless. Haha! Wala lang. Gusto ko lang na may maisulat kahit isang post ngayong month ng December. Mabuti na lang at hindi ko pangkabuhayan itong pagba-blog. Dahil kung nagkataon, lalo akong mamumulubi sa katamaran kong ito.


Honestly, I want to work at home. Pero nag-aalinlangan pa rin ako dahil ang Internet dito sa Pinas kadalasa'y may topak. Buti sana kung ang magiging trabaho mo ay hindi kinkailangang laging online. Tulad na lang pagba-Vlog. Kahit abutin ng dalawang araw ang pag-a-upload ng videos, at least sa nauna mong na-upload na videos ay kumikita ka pa kahit papaano. Nais ko sanang subukang magVlog. Kaya lang ay hindi pa ako handang i-display ang pagmumukha ko sa Youtube at marinig ng ibang tao ang nakakarindi kong boses. Hindi rin ako handang ma-bash. Lol!


Ang dami kong gustong gawin ngunit hindi ko alam kung alin ang uunahin at kailan sisimulan. Alam kong dapat ay simulan ko na habang maaga pa. Pero sadyang hindi nawawala ang mga katagang "Kaya lang...".


Still hoping that I would be courageous enough to pursue my dreams.


😔😔😔😔😂😂😂😂

No comments:

Post a Comment